"…nakatulong sa akin ang Ligas Coop sa pamamagitan ng pag-papaunlad ng aming hanapbuhay at pagtulong sa aming pinagkakakitaan.


- Alma J. Cudia

Main Branch

"…lalong lalo na po pag December kailangan po namin ng malaking puhunan kaya lumapit po ako sa Coop para makadagdag sa puhunan namin at kahit paano nakatulong sa pagpapagawa ng bahay at truck."


- Ma. Geneprea M. Hernandez

Main Branch

"…ako po ay isang mapalad na kasapi ng Ligas Cooperative. Kaya po gusto ko sa lahat po ng mga kaibigan ko at kamag-anak, subukan nilang maging kasapi ng Ligas para maranasan, maramdaman nila kung ano ako ngayon ay dahil sa Ligas Cooperative."


- Bernie R. Reyes

Tuktukan Branch

"…nakapagpatayo ako ng tindahan, meron akong alagang baboy, manok may tricycle pa, nakabili pa ako ng videoke. Napakalaking tulong ang naibigay sa amin."


- Catalina J. Adriano

Baliuag Branch

"...napaka malaking bagay po ang naitulong ng Ligas Cooperative. Ni isang gamit sa pagsasaka wala ako, ngayon lahat ng gamit meron na ako, may hen tractor, traktora, ngayon po nakapagpagawa pa ako ng di kalakihang bahay"


- Ernesto DC. Santos

San Miguel Branch

"…nagsimula po ako sa P15,000.00 nagtayo po ako ng isang maliit na tindahan. Sa ngayon po ay nagtitinda pa rin po kami at nadagdagan na rin po ng tatlong unit na computer."


- Merlita DG. Lampano

Gapan Branch

"…ng dahil sa Ligas lumaki na po ang aking negosyo."


- Cherrylyn C. Rosales

Balanga Branch

"…maganda po ang kanilang pamamalakad, marami din po silang benefits. Kaya po kung ako sa inyo at medyo hirap narin, lumapit lang po kayo sa Coop Ligas. Malaking bagay po sila dahil hanggang ngayon po kahit medyo angat ako hindi pa rin po ako umaalis sa kanila dahil maganda po ang kanilang layunin."


- Elizabeth C. Ignacio

Dinalupihan Branch

"...sa bago bagong nagnenegosyo, na nag-aalala ka kung paano mo patatakbuhin eh punta ka na sa Ligas. Maliit lang yung interest, eh sa Ligas mas kayang kaya, reasonable lang yun para mahulugan mo sa maliit na halaga. Nasa iyo yung pagaadjust eh, depende sa capability mo."


- Fortunato A. Chico

Cabanas Branch

"…ang pagtitiwala po nila sa atin ay maganda lalo na po yung record natin. Di po baling sabihin nila na mapangutang tayo basta marunong tayong magbayad ay may tiwala sila sa atin."


- Petra C. Zorilla

Apalit Branch

"…sila po ang sandigan ko, di po biro yung halaga na nahiram ko sa kanila pero ako naman po ay hindi pabayang mangungutang."


- Editha D. Mercado

Marilao Branch